1) Ito ang tinatawag na hati o ang saglit na pagtigil o paghinga sa loob ng isang taludtod.  2) Masining na pananalita at hindi tuwirang inilalahad ang ibig sabihin.  3) Pagtatalo sa paraang patula na may mambabalagtas, lakandiwa at manonood 4) Bahagi naman ito ng dula na maihahahlintulad sa kabanata ng isang nobela 5) Sa paraan ng pagpapahayag ng mga talata sa pagsulat ng sanaysay, ito ang tawag paksang pinagtatalunan 6) Pang-araw-araw na salitang may modipikasyon, sanhi ng pagpapaikli ng mga salita dahil sa pagkakaltas 7) Salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-ugnayang pormal sa paaralan, negosyo,simbahan, tanggapan ng pamahalaan  8) Sa panulaang tagalog, may apat na uri ng tugma; tugmaang patinig na walang impit, may _____   9) Isa ito sa mga elemento sa balagtasan na karaniwang binubuo ng dalawang makatang nagtatalo at ng isang lakandiwa.  10) Hindi magkakaroon ng balagtasan kung walang _______________ pinagtatalunan. 11) Ang ___________ ay kailangang malinaw na maipahatid ng mga mambabalagtas ang kanilang katuwiran tungkol sa paksa. 12) Unang naipakilala ang sarsuwela sa Pilipinas noong ika-_______ siglo. 13) Komentaryo o pambabatikos habang ginagaya ang kakatwang kilos ng isang tao,Ito’y tinatawag na __________.  14)  Ipinakikita naman sa _________ kalungkutan, na kung minsan ay nauuwi sa kabiguan. 15) Magkahalong saya at lungkot ang hatid ng _______ na kadalasang may eksenang humahaplos sa damdamin ng mga manonood. 16) Tukuyin ang aspekto ng salita. (Dumalo)  17) Tukuyin ang aspekto ng salita.(Sumisigaw)  18) _________ pusa kaming nakita sa silid-aralan. (may o mayroon)  19) Idagdag mo na rin ito ___________ pa naman ako ritong sandaan.  (may o mayroon) 20) Nanalo siya ____ limang libo sa pag-¬tweet sa KMJS. (nang o ng) 21) Nagtakbuhan ang lahat _____ makita ang nasusunog na bahay.  (nang o ng) 22) Sumayaw sila ng Macarena sa entablado. (Tukuyin ang aspekto ng salita sa pangungusap) 23) Kasusuot ko pa lamang ng uniporme nang biglang umulan. (Tukuyin ang aspekto ng salita sa pangungusap) 24) Sabado ng hapon na kami maglalaba ng mga punda’t kutson. (Tukuyin ang aspekto ng salita sa pangungu 25) Bigla na lamang siyang ngumiti habang kumakain kami sa Jollibee. (Tukuyin ang aspekto ng salita sa pan 26) Hambingan ng Pang-uri: (L-lantay, PH-pahambing, PS-pasukdol) -- Payapa ang buhay namin sa probinsya 27) Hambingan ng Pang-uri: (L-lantay, PH-pahambing, PS-pasukdol) --  Ang tita at ang kanyang ina ay magkamukha sa larawan. 28) Hambingan ng Pang-uri: (L-lantay, PH-pahambing, PS-pasukdol) --  Ubod ng sarap ng sinigang na luto ni nanay. 29) Tungkol ito sa uri ng diyalogong ginagamit sa dula na maikling pahayag lamang na naririnig sa sariling naiisip o nadarama. 30) MAGBIGAY KA NG ARALIN SA FILIPINO! 31) LIBRE ♥ 32) ANTAS NG WIKA:  Nakita ko sa tahanan nila Manang Loret ang iyong ina. 33) Uri ng dula na umiikot ang kuwento upang magsilbing modelo ang tauhan, hango sa salawikain.   34) ANTAS NG WIKA: Aba, Teka! May gagawin pa pala ako sa amin. 35) Uri ng dula na may masayang tema at laging nagtatagumpay ang bida.

Grade 8 2ndQ_Quiz Review_Peniel

Κατάταξη

Οπτικό στυλ

Επιλογές

Αλλαγή προτύπου

Επαναφορά αυτόματα αποθηκευμένου: ;